Ang paggawa ng account sa Expert Pinoy ay ang isang mahalagang hakbang upang mamging miymbero ka nito at magakroon ng access sa mga ibat-ibang serbisyo na aming inooffer, kaya narito ang ilang simpleng gbay bilang mga hakbang sa paggawa ng Expert Pinoy account.

Sa paggawa ng account, mayroon kang 3 hakbang na gagawin:
1. Agreement
2. Information
3. Complete
1. Tiyaking basahin ang Terms at conditions at lagyan ito ng check sa box na ipinapakita. Tiyaking naunawaan ang binasa, ito ang magiging unang hakbang sa paggawa ng iyong membership account.
Kapag ikaw ay nakapag-agree na sa terms and conditions, privacy policy and collection of persona information ay mangyaring pindutin ang create account upang masimulan na ang pagfill-up ng iyong mga impormasyon.

2. Simulang i-fill up ang hinahanap na impormasyon sa itaas.
- Username- Ang inyong username na gagamitin sa paglog-in.
- Password- Nararapat na dapat ito ay malakas at mahirap i-hack ng ninuman.
- Password Confirm- Muling ilagay ang password para sa kumpirmasyon na ito ay iyong natatandaan at wasto.
- Full name- Ilagay ang First name, (Second name kung posible), Middle name at Apelyido.Ito ang makikita sa iyong profile kapag nag-offer ka ng talent.
- Profile nickname- Ito ang iba pang katawagan sa iyo na makikita rin sa inyong profile.
- Mobile Number- Ito ang magsisilbing contact information mo.
- Email- Email address na maaring gmail,yahoo,outlook at iba pa na kasama rin sa iyong contact details at magiging platform ng mahahalagang transaksyon sa choice ninyo ng buyers at sellers.
- Sex- Ilagay ang kasarian mo bilang isang lalaki o babae.
- Zipcode- Postal code na kadalasang ginagamit sa mailing ng address sa isang partikular na lugar.
- Address- Tiyaking ito ay ang iyong present address. Isama ang street, barangay at lungsod na kinabibilangan o probinsiya.
- Specialized Field (Occupation)- Kung saang larangan nakafocus ang iyong mga skills at kung saan ka interesado.
- Your profile picture- Tiyaking ang iyong profile ay maayos at naaangkop.
- Introduce yourself- Dalawa o mahigit pang mga pangungusap na naglalarawan sa iyo at kung ano ang iyong interest, skills, hobby, trabaho at iba pa.
- Major Career- Ang iyong pangunahing propesyon o trabaho.
- G-cash account mobile number- Ito ang importante sa lahat, nararapat na ito ay naglalaman ng iyong totoong impormasyon dahil dito ka magwiwithdraw.
- Full name in G-cash- Kaangkop ng iyong pagwiwithdraw ang kumpirmasyon ng iyong pangalan kung ikaw ba talaga ang may-ari ng G-cash account na binigay.
- Friend in Expert Pinoy- Kung ito man ay isang referral at kung may kakilala kang miyembro din nito, kung wala, lagyan ito ng none.
Ang mahalagang tandaan sa pagkumpleto ng iyong mga impormasyon ay ang iyong username, password, email address at number dahil kung nalimutan mo ito o nawalan ka ng access, magiging mahirap par sa iyo na buksan ang iyong account at hindi magawa ang iyong mga proyekto at makapagwithdraw.
Pagkatapos mong matapos ang nasa itaas, lalabas sa itaas ng page ang 'Register Completed', at maari ka ng magsign-in doon. Mula dito maari mo ng maenjoy ang mga serbisyo sa Expert Pinoy!
Napakadali at simple lamang diba? Kaya't ano pa ang inaantay mo, mag sign-up kana!