
Ang pagpapatakbo ng iyong negoso ay nasa iyong pamamaraan, ngunit narito ang ilang mga kasanayan na mula din sa karanasan ng ibat-ibang freelancers.
1. Laging makipagusap at dapat makipagkausap ka ng maaga

Upang matugunan kung anng bagay man ang may katanungan at upang makapagbigay ng update tungkol sa proyektong ginagawa.Ito ay makakatulong na ma-iayos ang pagkalito, makatipid ng oras, at mapanatiling maayos ang proseso ng pagtratrabaho.
2. Magtakda ka ng malilinaw na expectations at kung maari at nararapat ay dapat higitan na ito.

Magbigay ka ng matapat at makatotohanang mga pag-update ng proyektong ginagawa
at mabilis na i-alerto ang iyong kliyente kapag may kinakaharap kang isang mahirap na bagay, isyu o problema sa paroyektong pinatatapos sa iyo.
3. Igalang ang mga deadline at magpasa sa oras

Laging tapusin ang iyong trabaho bago ang deadline at kung kailangan mopa ng karagdadgang oras para dito ay agad na ipaalam ito sa kliyente ng mas maaga.
4. Maging pleasing na katrabaho

Kapag ikaw ay nakikitungo sa kliyente, kahit sino pa man, mahalagang maging magalang ka at manatiling propesyonal at may dignidad kahit pa sa hindi inaasahang kumplikado na sitwasyon. Magdudulot ito ng magandang relasyon na komportable sa pagitan ng kliyente at sellers at pagakatapos ay maaring i-refer sa iba pa ang talent.
Tandaan: Huwag magbigay ng deadlie na lagpas sa inyong kontrol at laging isaalang-alang ang nararapat at tamang dagdag bayad kapag kailangan na hindi inaabuso ang dalawang partido.