Recent views
No recent views
Real-time search keyword
Cloud Top Searched
Design
Mobile
Program
Marketing
Handmade
로고
니다
Paano
freelance
재능
word
logo
bookkeeping
test
Survey
Q
Top causes of stress
Introduksyon sa Expert Pinoy!
2021.02.26 15:47:06
12100

 

Ang pagiging isang freelancer ay isang maganda at kapaki-pakinabang na paraan upang gawin ang iyong hobby at talent sa pagiging pera. May kalayaan kapa sa oras at pagpili ng proyekto na gagawin mo. Lubos naming binibigyang halaga at mataas ang aming respeto sa bawat isang freelancer na tinutukoy namin bilang "Isa sa mga Bayani ng Online na Digital na Trabaho"

 

  Maligaya namin kayong binabati at tinatanggap dito sa Expert Pinoy!

 

 

 

 

 

                                     Philippines No.1 Online Workplace for expert pinoy freelancers

            Ang aming online platform ay bukas para sa lahat ng tao international man o local na mga tao.


 
 

Ang Expert Pinoy ay isang online freelancing platform na gawa dito sa Pilipinas. Sa panahon ngayon, lahat ay halos naka-rely na sa digital technology, ang pamumuhay man, transportasyon, pagbili ng pagkain, pagshopping at sympre ang pagtratrabaho. Dahil halos lahat ng Freelancing Platforms ay gawa internationally, nakaisip kami ng paraan upang ang mga Filipino naman ang gumawa nito at dahil naniniwala kaming mayroong world class na talent din ang mga Filipino kagaya ng iba pang freelancers mula sa ibat-ibang panig ng mundo.

 

 

Bakit dapat na piliin mo ang Expert Pinoy?

 

Sa platform na ito ay mahahanap mo ang halos lahat na uri ng anumang trabaho para sa ibat-ibang edad at lugar man. Mayroon kang kalayaan na magpost ng request o maghanap ng talent at gumawa ng talent na naangkop sa iyong skills at field of interest na siyang magiging iyong service para sa ibat-ibang taong naghahanap dito at ang pinakamaganda sa lahat, nagagawa mo na nga ang iyong hobby at nageenjoy ka pa sa interest mo ay kaakibat din ng pagkita mo ng pera, na siya naman talagang deserving para sa iyo.

 

Ang aming website, sa desktop man o sa mobile ay madali lang gamitin at convenient para sa lahat. Kinikilala ka namin bilang isang skilled at magaling na tao, beginner man o matagal na. Hindi ka nag-iisa dito, kami ay handang tumulong sa iyong pagsisimulang journey haggang sa magtuloy-tuloy ito.Maasa kayong, masasandalan niyo kami anumang oras, sa pinakamahirap man na sitwasyon o pinakabest na sitwasyon. Narito kami upang magbigay serbisyo,motivation, inspiration at pag-aangat sa talent ng bawat Pilipino at sympre ng bawat Freelancers sa buong mundo sapagkat bawat isa sa inyo ay tunay na dakilang trabahador.


Secure na pagbabayad

 

Ang aming system ay gumagamit ng latest na teknolohiya at sinisiguro ang lahat ng seguridad at kaligtasan sa iyong transaksyon, na walang sinuman ang makakakuha ng iyong private information ng kahit anong account na mayroon ka. Sinisiguro namin na makukuha mo ang iyong payment sa tamang oras na naisin mo ar ng buyer, ito ay ang aming commitment.

 

        Dito ay hangad namin ag kaligayahan ng bawat Kliyente at Sellers ng Talent! Mabuhay kayo!

 
                             Celebration by Mario Jacome on Dribbble | Celebration gif, Motion design  animation, Animation design 

List
Categories
Support
Community
ExpertPinoy Guides Help & Support Expert Gallery
ExpertPinoy - Philippines No.1 online workplace for expert pinoy freelancers
© 2021 ExpertPinoy - Philippines No.1 online workplace for expert pinoy freelancers. All Rights Reserved.