Recent views
No recent views
Real-time search keyword
Cloud Top Searched
Freelance
Paano
design
word
clerk
editing
Advertise
youtube
logo
bookkeeping
Contrats
UDigitalFiles
Handmade
Tutor
Survey
검색된 설문이 없습니다.
Ang krisis at pandemya ba ang tamang panahon upang maging isang Freelancer?
2021.02.01 11:45:47
16310460


Sa panahon ng pandemya , ang freelancing ay higit na mas angat kapag kinumpara sa ibang uri ng trabaho.Dito, ipinapaliwanag kung bakit ang mga freelancer ay maaaring may kalamangan kaysa sa iba pang mga uri ng mga manggagawa habang nagpapatuloy ang pandemya.

 

We are a forgotten population.”. Using social media to help marginalized… |  by UN Development Programme | Medium
 

Paano naapektuhan ng Covid ang pag-mamarket ?

 

Mahirap ang pag-tratrabho ngayon pati ang pag-mamarket sa marketplace , epekto ito ng limitadong galaw dahil sa pandemya. Nang nag-simula ang pandemya ,ang mga trabaho ay nagsitapos sa ibat-ibang industriya ngunit ang freelancing ay nanatili at ang mga freelancers ngayon ang unang nakabalik sa trabaho at dahil digital na ang lahat ng mga bagay ngayon ay lalo pang lumago ang frelancing business.
 
Ang mga freelancing bago ang pandemya

 

Ang mga freelancers bago pa magkaroon ng pandemya ay nagpapatakbo na ng kanilang sariling negosyo o nagtatayo ng kanilang sariling reputasyon at network - ay sinanay para sa isang mabilis na onboard at upang simulan ang paglikha ng halaga para sa kanilang mga kliyente. Sanay sila sa paglipat sa pagitan n
Ang mga freelancers bago magkaroon ng pandemya ay nagtatayo at nagpapatakbo na ng kanilang reputasyon sa mga tao at nag-pagpapalawak na ng network.
 
Sa kabilang banda , kapag ang mga trasdisyunal na empleyado ay mahigit ilang taon ng nagugol ng oras sa isang lugar at wala pading trabaho ay mas nagiging mahirap sa kanila ang pagkakaroon ng proyektong gagawin. Ang pagkakataon na maging isang kabahagi ng freelancing business at maging isang employer nito ay patuloy na lalaki lalo na kapag ang mga empleyado nito ay nagpatuloy sa pagiging masipag sa paghahanap , pagkuha at paggawa ng mga pangangailangan ng ibang tao.
 

Anong mga pagkakataon ang nagbibigay trabaho sa mga freelancers ngayon?

 

Ang mundo ay patuloy na nagbabago , pati ang daloy ng kalakalan , serbisyo at pakikipagunayan. Ang mga industriya at kumpanya sa panahon ngayon ay nagkakaroon ng mahira na mga oras sa kung paano nila mapapatakbo at mapapanatiling kumikita ang kanilang kompanya sa susunod pang mga buwan na alam nating lahat na walang kasiguraduhan. Ang mga tao ay may ibat-ibang kasanayan at kaalaman na maari nilang mabigyang halaga at magamit sa mga industriyang mayroong malaking timeframe para sa kanila , kagaya na lamang ng freelancing.
 

Dapat bang tahakin ng mga tao ang mundo ng freelancing at magpatuloy dito?
 
Kahit sinong tao ay dapat mag-isip ng higit pa sa mayroon sila ngayon , kahit na may full-time job sila ay dapat na nag-iisip parin silang tahakin ang landas ng freelancing. Mahalaga na magkaroon sila ng sariling reputasyon , brand at dapat na kumilos upang makaka-adapt pa ng ibang kakayahan na maari nilang maitulong sa kanilang kompanya at sa kanilang sarili. Ito ay isa lamang na prinsipyo ng freelancing  na dapat na panatilihin upang makatulong sa ibang mga tao at manatiling tumatakbo sa karera , lalo na sa panahon ngayon.
 
Bukod pa dito , ang freelancing ay tunay na lumalago lalo na sa panahon ngayon na dahil sa pagtaas ng demand nito sa nakararami. Sa panahon ngayon ay  mahirap at walang kasiguraduhan ang paghahanap ng full time job , lalo na sa panahon ng mga krisis at kung ang iyong trabaho ay malayo pa sa iyong tahanan . Kaya naman maari at dapat mong subukan ang mundo ng freelancing na nagbibigay sa bawat isa ng kalayaan sa oras, mahigpit na trabaho at personal na buhay.

 

YöY Agency | A creative department for your business — Images

List
Categories
Support
Community
ExpertPinoy Guides Help & Support Expert Gallery
ExpertPinoy - Philippines No.1 online workplace for expert pinoy freelancers
© 2024 ExpertPinoy - Philippines No.1 online workplace for expert pinoy freelancers. All Rights Reserved.