Recent views
No recent views
Real-time search keyword
Cloud Top Searched
Freelance
Paano
design
word
clerk
editing
Advertise
youtube
logo
bookkeeping
Contrats
UDigitalFiles
Handmade
Tutor
Survey
검색된 설문이 없습니다.
Paano Maging Inclusive sa Manunulat sa Freelancing
2021.02.01 15:32:36
15011310

 

 Habang nag-iiba ang pangangailangan ng mga tao ata ng daloy ng merkado , naging mas sensitibo ang mga negosyo kesa sa dati.Ito ang dahilan kung bakit dapat na maging inklusibo o inclusive ang isang manunulat. Nangangahulugan ito,na dapat isaalang-ala ang pagkakaiba-iba ng bawat kliyente at maging konsiderate sa kalagayan ng mga kompanya at mga kustomers sa lahat ang aspekto .

 

ucatachira Sticker for iOS & Android | GIPHY

Bilang  isang manunulat , alam mo ang kakayahan ng salita na magbago ng nararamdaman at emosyon ng tao. Maari itong gawing masaya , galit at malungkot ang tao.


Paano ka magiging isang inclusive/ inklusibo na manunulat? Sa mga sumusunod na impormasyon ay malalaman ninyo ang mga bagay na dapat isagawa at isaalang-ala sa inyong pagiging manunulat upang mas lalong dumami ang inyong kliyente at mapanatili ang respeto sa lahat pagka-kaiba ng bawat isa.

 

Mga bagay na dapat pag-isipan kapag ikaw ay nasusulat:

 

Ang pinaka-layunin ng pagiging inclusive na manunulat ay kapag nakikipag-komunikasyon ka ng may galang at respeto sa mga tao sa paraang hindi mo binubukod ang kanilang pagkakilanlan o lahi.
Pag ito ay nasa isip mo na , matuto kang gumamit ng mga angkop na wika at salita habang nag-susulat at maiiwasan mo anumang mga salita na maaring magparamdam sa ibang mambabasa ng pagkadismaya at sakit sa damdamin.


Iwasan mong bigyang pokus ang iyong nabibilang na lahi o pangkat upang ikumpara ang ibang pagkakakilanlan dahil magiging insulto ito sa ibang tao . Gayon din , huwag ikumpara ang pagkakakilanlan ng iba bilang hindi normal sa mga nakasanayan. Palaging magbigay ng respeto at paggalang sa kahit sino.


Ang mga salita na dapat iwasan:


 May mga salitang katawagan sa ibang pangkat o tao na maari lamang na banggitin kung sila ay iyong kalahi. Mayroon din namang mga salita na magkakaparehas ang bigkas ngunit magkakaiba ang kahulugan sa ibat-ibang lahi , na maaring isang insulto o papuri sa kanila. Kaya nararapat na may kaalaman ka sa bawat salita na gagamitin mo sa iyong pagsusulat.

 

Quantcast GIFs on Behance

 

  1. Lahi o nasyonalidad

Kapag ang iyong isinusulat ay may kasamang ibang lahi na patungkol rito, dapat na maging i-specific tungkol dito. Halimbawa , kapag gagamit ka ng salita , ilagay mo kung ang pagkakakilanlan na ito ay isang Amerikano, Hapon, Briton at iba pa.

 

2. Oryentasyong Sekswal o kasarian

Sa lahat ng pagkakataon , dapat na gumamit ka ng mga salita na hindi tumutukoy sa i-specific na kasarian ng tao , at kung maari ay gawin itong pangkalahatan upang hindi magkaroon ng pagkaka-ibaiba.
Halimbawa: Imbis na gumamit ng salitang Manmade ay gumamit ng salitang "Artipisyal"

 

3. May kapansanan
Sa pagsusulat , wag ibaba ang tingin ang sa mga may kapansanan at iwasan gumamit ng mga salita na tumutukoy sa kondisyon ng taong iyon kagaya ng "schizophrenic."  , sa halip ay gawin itong “Ang tao na may kondisyon na schizophrenia”.

 

United Unity Sticker by INTO ACTION for iOS & Android | GIPHY

 

Magsanay upang ikaw ay maging dalubhasa

Upang maging isang dalubhasa sa pagiging isang inclusive na manunulat kailangan mong magsanay at magsumikap.

 

Magsaliksik ka ukol sa mga ibat-ibang salita at terms sa ibat-ibang linggwahe at alamin ito ng sa gayon ay maging mas maingat ka at makagawa ng mga sulatin na mataas ang kalidad.

 

Tandaaan:   Ang paggamit ng mga wasto at angkop na salita sa iyong sulatin at pagpapakita ng respeto at pagkakaisa sa kabila ng pagkakkaiba-iba ay ang susi upang mas maraming kliyente at mambabasa ang tatangkilik sa iyong mga sulatin.
 

List
Categories
Support
Community
ExpertPinoy Guides Help & Support Expert Gallery
ExpertPinoy - Philippines No.1 online workplace for expert pinoy freelancers
© 2024 ExpertPinoy - Philippines No.1 online workplace for expert pinoy freelancers. All Rights Reserved.