Recent views
No recent views
Real-time search keyword
Cloud Top Searched
Freelance
Paano
design
word
clerk
editing
Advertise
youtube
logo
bookkeeping
Contrats
UDigitalFiles
Handmade
Tutor
Survey
검색된 설문이 없습니다.
7 Epektibong Paraan para I-promote ang Inyong Negosyo sa Social Media
2021.02.02 11:24:45
1509900

 

Nitong mga nakaraang taon, ang social media ay naging isang bagong ideya bilang ganap na kailangan para sa mga market. Sa lahat ng mga bagong media marketing platform, ang social media ay ang pinaka-umaangat sa lahat. 

 

 

                                  Social Media Marketing – Overtatech

 

Sa social media, ang mga kustomer at ang mag negosyo ay maaaring direktang makipag-ugnayan sa isat-isa. Ang dalawang partido ay maaaring magtanong sa isa't isa, kilalanin ang isa't isa at magtrabaho na siyang nagbubuo ng mga ugnayan. Ang pagsisimula sa social media marketing ay maaaring nakakatakot, kaya narito ang pitong tips para epektibong itaguyod ang iyong negosyo sa mga social network.

 

                           Digitel Gen 360

 

1. Piliin ang Tamang Platform


Walang kakulangan o shortage sa mga social media site kung saan ibabahagi ang iyong nilalaman. Ang bilang ng mga site ay lumalaki araw-araw. Ang pagbabahagi ng iyong nilalaman sa tamang platform ay mahalaga sa iyong tagumpay.

 

Kapag nagpapasya kung aling mga channel ang gagamitin, dapat mong isaalang-alang ang iyong mga kustomer at negosyo. Mahalaga na lumikha ka ng mga account sa platform na ginagamit ng iyong target na mga manonood, para madali silang makakonekta sa iyo. Magsagawa ng ilang pananaliksik upang matukoy kung anong mga site ang ginagamit ng mga kustomers, at pagkatapos ay gamitin din ang mga ito. 

 

Dapat mo ring isaalang-alang kung aling mga site ang pinakamahusay na angkop sa iyong mga produkto. Halimbawa, para sa isang photography company, ang Instagram ay isang malinaw na pagpipilian.

 

2.Hikayatin ang Engagement

 

Ang social media ay tungkol sa pakikipag-interact sa mga tao. Hindi lamanito para sa mga taong ginagamit ang social media para sa entertainment.Ang mga negosyo ay kailangang maging interactive. Upang samantalahin ang kakayahang panlipunan, kailangan mong hikayatin ang pakikipag-ugnayan.

 

Mag-post ng nilalaman na gustong basahin ng mga tao, magtanong,mag-repost at magbigay ng komento sa mga post ng ibang gumagamit. Ang paggawa ng pananaliksik sa iyong mga tagapakinig ay makakatulong sa iyo na malaman kung ano ang maaari nilang gusto at interest.

 

3.Iwasan ang pag-oover promote

 

Ang isang bitag na madalas mahulog sa mga negosyo ay ang paggamit sa social media ng sobra sobra tulad ng regular na advertising.Kailangan mong lumikha ng nilalaman na talagang masisiyahan ang mga tao na gusto nilang makita.

 

4. Magbahagi ng Video

 

Ang visual content ay gumagana nang maayos sa social media. Ang video content, lalo na, ay mainam para sa pagkuha ng pansin ng mga tao pati na rin ang pagpapadala ng iyong personalidad at passion sa iyong mga customer. 

 

Ang visual content ay madalas na nakikita habang nag-scroscroll ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga news feed, kaya mas malamang na makita nila ito at makikibahagi rito. Ito rin ay nagpapahintulot sa iyo na sabihin ang higit pa kaysa sa maaari mong sabihin higit.. Lumikha ng kagiliw-giliw na video upang makuha ang pinakamahusay na reaksyon ng mga tao.

 

5. Mabilis na i-address ang problema

 

Ang mga nagpropromote ay gustong nakatatanggap ka ng halos lahat ng positibong feedback sa social media. Paminsan-minsan maaari kang makaranas ng isang taong nababalisa, naglalatag ng argumento o may negatibong sasabihin tungkol sa iyong kumpanya.

 

Dapat mong maingat na subaybayan ang mga pagbabanggit ng iyong mga brands sa mga social channel, upang maaari mong mahuli ang mga isyu bago iyo kumalat. Kung ikaw ang may problema o pagkakamali, komonekta ka sa taong iyon sa pamamagitan ng paghingi ng paumanhin sa publik kung kinakailangan at mag-alok upang malutas ang problema sa isang direktang exchange ng mensahe. Sa ganitong paraan a makikita ng mga tao na ikaw ay responsive ngunit hindi kailangang makita nilang lahat ang i-specific na mga detalye.

 

6. Gumawa ng Komunidad


Sa halip na sikaping makakuha ng maraming tagasunod o followers,hangga't maaari, magtuon sa paghahanap ng mga kustomer na interesado,matapat at nakikinig. Ang mga taong ito ay mas malamang na i-repost ang iyong nilalaman, tulad ng iyong mga post.

 

Kapag bumuo ka ng komunidad sa paligid ng iyong brand, ang mga tao sa loob ng komunidad na iyon ay makikibahagi sa isa't isa at makakatulong na i-promote ang iyong nilalamn. Maaari mo pa ngang subukangmag-reach out sa mga influencers na mga gumagamit ng social media at hilingin sa kanila na tulungan ka sa pamamagitan ng pagrerepview ng iyong produkto o banggitin ito sa isang post.

 

7. Magbigay ng halaga o value

 

Marahil ang pinakamahalagang bagay na magagawa mo sa social media ay magbigay ng halaga o value sa iyong mga followers. Lumikha ng isang bagay na makakatulong ang iyong mga tagapakinig. Maaaring isang bagay ito na nagsasabi sa kanila ng isang bagay na hindi nila alam noon, na makakapagtawa sa kanila, inaaliw sila o anumang bagay na kapaki-pakinabang sa ilang paraan. 

 

Ang aspetong ito ng social media ay  ang umaagaw ng pansin ng mga angkop at nararapat na kustomer sa iyong negosyo, kumbinsihin mo ang mga tao na i-follow ka sa social media na makakatulong s apagpapalaganap ng iyong nilalaman.Kapag kaw ay sanay na dito , ibig sabihin nito ay malapit ka ng maging matagumpagy na social media marketing campaign.

 

              Bridging The Gap: How Social Media Can Feed Into Event Marketing

 

Sa milyo-milyong tao na gumagamit ng social media , ito ay isang mabisa, maayos , hindi kumplikado at mabilis na paraan para i-promote ang iyong negosyo at upang makilala ito ng higit sa isang milyong mga tao sa ibat-ibang mundo na siyang susi sa matagumpay na pagpapatakbo ng inyong industriya.

List
Categories
Support
Community
ExpertPinoy Guides Help & Support Expert Gallery
ExpertPinoy - Philippines No.1 online workplace for expert pinoy freelancers
© 2024 ExpertPinoy - Philippines No.1 online workplace for expert pinoy freelancers. All Rights Reserved.